Connect with us

Aklan News

6 KATAO ARESTADO SA SUGAL

Published

on

Banga – Sasampahan bukas ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Laws ang 6 na naaresto dahil sa pagsusugal umano sa isang lamay alas 10:40 noong nakaraang gabi sa Polocate, Banga.

Nakilala ang mga naarestong sina Rhenan Andrade, 45 anyos, Gladys Andrade, 46 anyos na kapwa residente ng Lapnag, Banga; Sol Colas, 46 anyos, Romeo Dela Cruz, 74 anyos, kapwa residente ng Sigcay, Banga; Genilyn Mationg, 39 anyos ng Dingle, Banga, at Edwin Beltran, 52 anyos, ng Polocate, Banga.

Sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng Banga PNP, Aklan Provincial Intelligence Unit, HPG at CIDG-Aklan, kaagad naaresto ang mga suspek na nagsitakbuhan matapos umanong maaktuhan na naglalaro ng Lucky 9 doon mismo sa isang lamay.

Maliban dito, narekober din ang 1 set ng baraha, at kabuuang P6,920.00 na pera.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Banga PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *