Connect with us

Aklan News

2 NAG-IINUMAN, PINAGTATAGA NANG SUMULPOT NA LASING

Published

on

Dalawa ang sugatan matapos pagtatagain ng lasing alas 7:50 kagabi sa Agcawilan, Lezo.

Nakilala ang mga biktimang sina Mark Anthony Alvarez, 20 anyos at Randy Israel, 43 anyos, at ang naarestong suspek na si Marlon Leyson, 37 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Lezo PNP, nag-iinuman sa loob ng isang kubo ang mga biktima nang bigla na lamang umanong dumating ang lasing na suspek at biglang tinadyakan ang pintuan ng nasabing kubo.

Kasunod nito, sinigawan at minura pa nito ang dalawa at biglang pinagtataga ng patalim sa hindi nalamang dahilan.

Dahil dito,nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mga biktima na kaagad ding isinugod sa ospital.

Samantala, kaagad ding naaresto ang suspek at pansamantalang ikinostodiya sa Lezo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *