Connect with us

Aklan News

CARETAKER NA NAHULIHAN NG BARIL AT GRANADA, ARESTADO

Published

on

Narekober ng mga kapulisan ang armas na nakasilid sa isang sling bag na nakuha sa loob ng kwarto ni Donato Naris, 42, at  tubong Camarines Sur.Narekober ng mga kapulisan ang armas na nakasilid sa isang sling bag na nakuha sa loob ng kwarto ng suspek na si Donato Naris 42 tubong Camarines Sur.

Ayon sa  Malay PNP, marami umanong nagrereklamong madalas na makitang may dalang baril ang suspek  kaya’t minabuti nila na aplayan ng search warrant ang tinutuluyan ng suspek.

Sa pamamagitan ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Bienvenido Barrios noong April 23,2021, hinalughog ng Malay PNP ang tirahan ng suspek kung saan natagpuan nila ang isang caliber .45 baril na may magazine at live ammunition. May natagpuan pa umano silang isang magazine na may mga bala at isang granada.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakulong Sa Malay PNP ang suspek na mahaharap kasong paglabag sa  RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *