Connect with us

Aklan News

BOOM UP NG TRAK SUMABOG, DRAYBER, PATAY

Published

on

Banga – Dead on arrival sa ospital ang isang driver matapos umanong tumilapon mula sa windshield at naapakan pa ng gulong nang sumabog ang boom up ng minamaneho nitong truck.

Nangyari ang insidente mag-aalas 8:00 kaninang umaga sa Ugsod, Banga kung saan nakilala ang biktimang si Jerry Beran, sa legal na edad ng Numancia.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Banga PNP, umaariya umano ng buhangin ang biktima nang sumabog o bumigay ang boom up ng truck, rason na nabasag ang likurang windshield nito, habang tumilapon palabas ng unahang windshield ang biktima.

Maliban dito, sinasabing nakakambya ang truck nang mangyari ang insidente kung kaya’t bahagyang dumaosdus ang truck at naapakan ng pang-unahan nitong gulong ang katawan ng biktima.

Kaagad pa sana siyang isinugod sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Bagama’t isang self accident ang nangyari, patuloy naman ang imbestigasyon ng Banga PNP sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *