Connect with us

Aklan News

KERIDO, PINALAKOL SA ULO

Published

on

By

Nagdilim ang paningin ng isang mister matapos makaharap ang nobyo ng kanyang misis kung kaya’t pinalakol nya ito sa ulo at buti na lang ay hindi napuruhan.

Ang biktima ay si Fhil Sanglitan, 27 anyos na taga Dumatad, Tangalan. Samantala ang suspek ay si Remrem Bandejas, 22 anyos ng Manhanip, Malinao.

Nangyari ang insidente sa Brgy. Manhanip kahapon ng hapon.

Matagal na umanong duda si Mister na may relasyon si Fhil at asawa nitong si “Nene”, di tunay na pangalan, dahil nabasa nito ang text ng dalawa kung saan “Hon” ang kanilang tawagan.

Tinawagan ni Mister si Fhil at sinabihan na huwag nitong guluhin ang kanilang pamilya dahil meron silang anak na 11 buwan pa lang ang edad.

Ngunit kahapon ay nakita nya ito sa bahay ng pamilya ng kanyang asawa kung kaya nangyari ang insidente.

Inamim naman ng biktima na may relasyon sila ni Nene na nag-umpisa noong nakaraang March 9 lang.

Ang pagkakaalam nya diumano ay hiwalay na ang mag-asawa dahil nagsumbong si Nene sa kanya na sinasaktan ito ni Remrem.

Sa magkasabay na panayam sa kanila ng Radyo Todo, napagkasunduan na hihiwalayan na lang ni Fhil si Nene para hindi masira ang pamilya nito.

Hindi na rin sya magsasampa ng kaso basta bayaran lang ang kanyang bill sa hospital at pumayag naman si Remrem.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *