Connect with us

Aklan News

BORACAY, MAY NAMATAY NA COVID POSITIVE

Published

on

By

Naitala ng Boracay island sa bayan ng Malay, Aklan ang kauna-unahang namatay na Covid 19 positive.

Ito ay isang 47 na taong gulang na lalake na taga Sitio Ambulong, Brgy. Manocmanoc at isang E-trike driver.

Ayon sa pamilya, inatake sa puso ang biktima at dinala sa Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital noong Abril 20 ng gabi kung saan ito ay Dead on Arrival.

Dahil isa itong Suspected Covid, kinunan agad ito ng swab sample at nanatili muna sa Hospital ang bangkay nito na nakalagay sa cadaver bag.

Hindi na naitransport sa mainland ang bangkay, na dapat sana ay ma-cremate sa loob ng 12 oras, dahil na rin na pakiusap ng pamilya na hintayin muna ang resulta.

Abril 22, pasado alas 3 ng hapon ay lumabas ang Molecular Laboratory report na Positive ito sa Covid 19.

Ayon kay Dr. Magdamit, minabuti nila, sa guidance ng LGU Malay, na ayusin at ilagay sa tamang disposisyon ang bangkay.

Sa tulong ng mga trained personnel ng MDRRMO at sanitation team kasama ang PNP at Brgy. Council ay inilibing ito sa Manocmanoc Public Cemetery bandang alas 7 ng gabi sa lalim na 6 na talampakan na naaayon sa covid 19 sanitation protocol at walang dapat ikabahala ang publiko.