Connect with us

Aklan News

TIYUHIN, BINARIL NG PAMANGKIN, PATAY

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng kanyang pamangkin bandang alas 11:00 kagabi sa Sitio Agkawayan, Ortega, Libacao.

Nakilala ang biktimang si Loreto Zaballero, 53 anyos, at napag-alamang pamangkin niya mismo ang suspek na si Louie Zaballero, 29 anyos. Kapwa residente ng nasabing lugar ang dalawa.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Libacao PNP, armado umano ng itak ang lasing na biktima nang pwersahan nitong pasukin ang bahay ng pamangkin.

Inawat umano ito ng suspek, subalit hindi ito nakinig, dahilan na nabaril niya ang tiyuhin sa dibdib gamit ang isang home-made shot gun.

Kaagad na tumakas ang suspek nang makitang tinamaan at bumulagta ang biktima, subalit napag-alamang doon ito sumuko kay Kapitana Elsa Zapues ng Ortega, na siya namang personal na dumulog sa Libacao PNP bandang alas 8:00 kaninang umaga.

Nasa kustodiya na ng Libacao PNP suspek sa para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *