Connect with us

Aklan News

TATLONG WANTED SA KASONG HOMICIDE, ARESTADO

Published

on

Tatlong wanted sa kasong homicide ang arestado ng Kalibo PNP sa magkahiwalay na oras at lugar kahapon at kagabi sa bayan ng Kalibo.

Sa ikinasabg Oplan Birada Semana, unang sinilbihan ng warrant of arrest si Brengelle Reodava, 48 anyos ng Pastrana St., Poblacion, Kalibo na sinundan din ng pagkaaresto bandang alas 6:00 kagabi kay Arnel Olaguer, 41 anyos ng Old Buswang, Kalibo, at alas 6:30 naman kagabi nang maaresto si Rodel Borga, 49 anyos ng Andagao, Kalibo.

Kaugnay pa nito, nabatid na kahapon lang bumaba (April 19, 2020) ang kani-kanilang warrant of arrest sa iisang kasong homicide, na may Criminal Case number 15756 na nilagdaan naman ni Hon.Ronald H.Exmundo, Presiding Judge, 6th Judicial Region, RTC Branch 4, Kalibo, Aklan.

Kasunod nito, pansamantala silang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Ayon naman sa mga akusado, nadamay lamang sila noon sa nangyaring insidente na nangyari noong nakaraang taon sa Andagao, Kalibo kung saan sinasabing binawian ng buhay sa ospital ang biktima, 2-3 araw matapos itong dalhin doon para gamutin.

Kuwento pa ng mga akusado, inihagis noon ni Rodel sa biktima ang pinutol na kahoy na ipinangdepensa niya nang tagain siya nito.

Tinamaan umano ang biktima at nabuwal sa lupa kung saan tumama ang kanyang ulo, at nagtamo ng mubhang pinsala.

Samantala, nabatid na 7 sila ang sinampahan ng kaso sa pamamagitan ng regular filing,, subali’t na dismiss umano ang iba, habang silang tatlo ang haharap sa kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *