Connect with us

Aklan News

ESSENTIALS TRAVELERS, RETURNING AKLANONS AT APOR MULA SA NCR PLUS BUBBLE, PAPAYAGAN NANG PUMASOK SA AKLAN

Published

on

Papayagan nang pumasok sa probinsya ng Aklan ang mga essential travelers, Authorized Person Outside Residence (APOR) at Returning Aklanons mula sa NCR plus bubble, Cebu at Davao.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta sa panayam ng Radyo Todo.

Matatandaan na pansamantala munang sinuspende ng IATF ang pagpapasok ng mga indibidwal sa Western Visayas mula sa NCR at karatig probinsya na Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal pati ang Cebu at Davao para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kahapon, April 19, 2021 lang natapos ang extended moratorium ng national IATF para sa mga inbound travelers mula sa NCR Plus bubble, Cebu at Davao.

Kaugnah nito, lahat nang papasok na mga biyahero sa Aklan ay kailangan magpakita ng negative RT-PCR test results na kinuha 72 hours bago ang biyahe batay na rin sa executive order.

Inirekomenda rin ni Ibarreta ang pagkuha ng coordination sa LGU kahit na hindi ito mandatory.

Nilinaw nito na pinagbabawal pa rin ang mga “leisure travels” mula sa mga MECQ areas gaya ng mga lugar na nabanggit.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.