Connect with us

Aklan News

11 BAGONG KASO NG COVID 19 SA IBAJAY, NAITALA

Published

on

Ibajay, Aklan- nNakapagtala ngayong araw ang bayan ng Ibajay ng labing isang bagong kaso NG COVID 19.

Ito ang kinumpirma ni Ibajay Mayor Jo-en Miraflores sa pakikipagpanayam sa Radyo Todo.

Nagmula lahat sa Barangay Ondoy ang labing isang nagpositibo sa nasabing sakit.

Matatandaan na 146 indibidwal na high risk contact ng unang mga nagpositibo sa nasabing barangay ang isinailalim sa swab test noong nakaraang araw.

Samantala, nagnegatibo naman sa test ang dalawampung indibidwal na taga-Brgy.Laguinbanua na isinailalim sa swab test.

Noong nakaraang Sabado, Abril 17, isinailalim sa 14-day surgical lockdown ang barangay Ondoy at Laguinbanua dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19.

Patuloy naman na nanawagan ang alkalde na iwasan muna ang mga pagtitipon-tipon at sundin ang mga ipanapatupad na health protocols para maiwasan ang nakakahawang sakit.

Program/Beat: Police Reports Years/background in Media works: 6 yearsWhy chose this profession: I want to disseminate information to the people. Principle in life: “If something is troubling me, it is something I need to stop doing.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *