Connect with us

Aklan News

1 WANTED SA KASONG MURDER AT 1 SA FRUSTRATED MURDER, ARESTADO

Published

on

NUMANCIA – Arestado sa magkahiwalay na operasyon ng Numancia PNP ang dalawang lalaking wanted sa kasong pagpatay at frustrated murder.

Base sa ulat ng Numancia PNP, alas 4:30 kaninang hapon nang isinilbi nila kay Melvin Arcaño, 46 anyos ng Bulwang, Numancia ang warrant of arrest sa kasong Frustrated Murder (Criminal Case No.2001-1670) na ibinaba ni Hon.Rogelio J. Amado, Presiding Judge, RTC 6th Judicial Region, Branch 66, Barotac Viejo, Iloilo noon pang March 6, 2002.

Kasalukuyan siyang nasa kostodiya ng Numancia PNP, subali’t makakalaya pansamantala sakaling makapagpiyansa siya ng P200,000.00.

Samantala, alas 5:30 naman nang isinilbi ng Cuartero PNP at Numancia PNP kay Henry Laeagogo, 48 anyos, (tubong Cuartero, Capiz, at kasalukuyang residente ng Camanci Norte, Numancia) ang warrant of arrest (Criminal Case No.C-107-21) sa kasong Murder o pagpatay na nilagdaan naman ni Hon.Kristine Vinculado, Presiding Judge, RTC Court, 6th Judicial Region, Branch 16, Roxas City, Capiz nito lamang nakaraang Huwebes, April 15, 2021.

Pansamantala siyang dinala sa Numancia PNP Station para sa documentation bago dinala ng Cuartero PNP para sa karampatang disposisyon.

Hindi maaaring makapag-piyansa si Laeagogo dahil sa kanyang kaso.

 

via TBK Malbert Dalida

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *