Connect with us

Aklan News

UNANG ROLL OUT NG BAKUNA SA BAYAN NG TANGALAN, ISINAGAWA NGAYONG ARAW

Published

on

Tangalan, Aklan – Isinagawa ngayong araw ang unang vaccination roll out sa bayan ng Tangalan.

Ayon kay Mayor Gary Fuentes isang daang vials ang dumating mula sa Sinovac para sa kanilang bayan na ibabakuna sa mga BHERTs at empleyado ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.

Kabilang sa mga mababakunahan ay ang mga Punong Barangay Committee on health, Barangay Health Workers at iba pang frontliners sa Brgy. Tagas Covered Court na magsisilbing vaccination site.

Inaasahan naman na darating pa sa susunod na mga araw ang dagdag na bakuna para sa kanilang mga mamamayan.

Ayon pa sa alkalde napaaga raw ang kanilang vaccine roll out dahil na rin sa kanilang pagtutulungan at pagiging handa na mabakunahan ang kanilang mga residente.

Program/Beat: Police Reports Years/background in Media works: 6 yearsWhy chose this profession: I want to disseminate information to the people. Principle in life: “If something is troubling me, it is something I need to stop doing.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *