Connect with us

Aklan News

4 WANTED SA ILLEGAL NA SABONG, ARESTADO

Published

on

Arestado bandang alas 9:00 kaninang umaga sa Poblacion, Libacao ang apat na kalalakihang wanted dahil sa ilegal na sabong.

Nakilala ang mga akusadong magkapatid na sina Anthony Orbista, 41 anyos at Carlito Orbista, 44 anyos, kapwa taga Bonifacio St., Poblacion, Libacao; at Ricky Kiling, 29 anyos at Arlon Idala, 31 anyos, kapwa residente naman ng Manika, Libacao.

Kasama ang 1st Aklan Provincial Mobile Force, inihain ng Libacao PNP ang warrant of arrest sa ilalim ng criminal case number 35-30-L sa kasong paglabag sa PD 449 o Illegal Cockfighting Law of 1974. Ibinaba ni Presiding Judge Lollie Ureta Villaruel, MCTC, 6th Judicial Region, Banga-Libacao-Madalag ang arrest warrant nito lamang nakaraang ika-13 ng Abril, 2021.

Nakapagpiyansa ang lahat ng arestado ng P30,000.00 kaninang umaga para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nabatid na kasama nilang apat sa ilegal na sabong sa Manika, Libacao noong nakaraang taon (March 2020) ang naaresto naman ng Balete PNP na si Roger De Luna, na una namang nakapagpiyansa sa kanila.

Sinampahan silang lahat ng nasabing kaso sa pamamagitan ng Regular Filing.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *