Connect with us

Aklan News

2 SANGKOT SA LARONG POOL, SASAMPAHAN NG KASO NGAYONG ARAW

Published

on

Numancia – Sasampahan na ngayong araw ng kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws ang dalawang lalaking nagpustahan ng pera sa kanilang paglalaro ng pool kahapon ng hapon sa Dongon East, Numancia.

Nakilala ang mga suspek na sina Jestony Enero, 23 anyos at Rogen Paulino, 25 anyos kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa report ng Numancia PNP, isang anti illegal gambling operation ang kanilang ikinasa kung saan naaktuhan umano ang dalawa sa kanilang pagpustahan sa paglalaro nila ng pool.

Kaugnay nito, narekober mula sa mga suspek ang mga ginamit nilang pitsas, tako, P108.00 na bet money o pusta, at P294.00 na tong, at maging ang mesang ginamit sa laro.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *