Connect with us

Aklan News

LASING NA MAY DALANG PATALIM, NAGHAMON NG AWAY, KALABOSO

Published

on

Numancia-Kalaboso ang isang lasing na may dalang mga patalim matapos umanong maghamon ng away sa Pusiw, Numancia bandang alas 5:00 ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Jhonny Fernandez, 60 anyos, habang ang mga nagsuplong sa kanya ay ang mismong mga pamangkin at kapit-bahay niya na sina Alex Fernandez, 48 anyos at Mike Mabugay, 54 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, lasing umano ang suspek nang sugurin nito ang dalawang nagreklamo sa kanilang bahay. Hawak ang itak at bakal na sibat, hinamon ni Fernandez ng away ang mga biktima. May nakasukbit pa umano siyang kitchen knife sa kanyang beywang.

Kaagad umanong tinawagan ang mga kapulisan kaya naaresto ang suspek. Narekober mula sa kanya ang kanyang mga patalim.

Ayon sa Numancia PNP, madalas din umano nilang nirerespondehan ang suspek dahil sa kanyang pagwawala kapag nalalasing. Dahil dito, posible umano nila itong sampahan ng kasong Grave Threat o pambabanta, at Illegal Possession of Bladed Weapon sakaling hindi sila magkaayos bukas ng mga nagreklamong pamangkin.

Samantala, iginiit umano ng suspek na wala naman siyang ginagawang masama nang dumating ang mga pulis.

Pansamantala siyang ikinostodiya sa Numancia PNP station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *