Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG PAGPATAY KAY SB JHUN RONDARIO, SINILBIHAN NG WARRANT OF ARREST SA ARC

Published

on

Malinao – Sinilbihan ng warrant of arrest sa ARC o Aklan Rehabilitation Center mag-aalas 12:00 kaninang tanghali ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay kay dating Malinao SB Member Jhun Rondario.

Nakilala ang akusadong si Mario Yufano Castillo ng Purok 7, Sitio Ilaya, Malandayon, Malinao na naaresto naman matapos mahulihan ng granada, baril at patalim sa kanyang bahay noong March 18, 2020.

Isinilbi kay Castillo ang kanyang warrant of arrest sa kasong murder na ibinaba ni Hon. Joebil B. Delmoro, Presiding Judge, RTC Branch 2, Kalibo, Aklan nito lamang nakaraang Martes, April 6, 2021.

Kaugnay nito, panibagong kaso naman ang kakaharapin ni Castillo habang nasa loob siya ng Aklan Rehabilitation Center.

Magugunita, binaril-patay si Rondario noong nakaraang January 25, 2020 habang pauwi ito sa kanilang bahay sa San Roque, Malinao.

Nabatid na hinawakan ng mga taga NBI o National Bureau of Investigation ang kaso ni Rondario at kung saan sila din ang nagsampa ng kasong murder kay Mario Castillo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *