Connect with us

Aklan News

ECQ AT SURGICAL LOCKDOWN SA ILANG LUGAR SA BORACAY, TATANGGALIN NA MAMAYA

Published

on

Photo Courtesy| MalayBpracay Pnp Masaligan FB

Tatanggalin na mamayang alas-11:59 ng gabi, April 14, 2021 ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Barangay Balabag at Surgical Lockdown sa Zones 1 at 7 ng Barangay Manocmanoc.

Ibabalik na rin ang quarantine classification ng mga lugar na nabanggit sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Pero mahigpit pa rin na ipatutupad sa buong isla ng Boracay ang mga sumusunod:
1. Bawal ang operation ng mga bars.
2. Bawal ang mga restaurants at food parks na may mga live shows at music.
3. Ang pagsasabong at operation ng mga sabungan ay mahigpit pa ring ipagbabawal.
4. Bawal ang mga non-essential gatherings.
5. Ang curfew hours sa buong isla ng Boracay ay mananatili pa rin mula 11:00PM – 4:00AM.
6. Ang pagsusuot ng face masks at face shields sa lahat ng oras na nasa labas ng bahay ay kailangan pa rin.
7. Ang mga tao na maaaring dumalo ng misa sa simbahan ay lilimitahan lamang sa 30% ng seating capacity ng simbahan.
8. Ang Minimum Public Health Standards ay dapat masunod sa lahat ng oras.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.