Connect with us

Aklan News

18 ANYOS NA BINATA, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG MARIJUANA

Published

on

Numancia – Arestado pasado alas 10:00 kagabi sa Bulwang, Numancia ang isang 18 anyos na binata dahil sa pagbibenta umano ng marijuana.

Sa isinagawang buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit o PDEU, kasama ang Numancia PNP, naaresto ang suspek na si Joshua Besana ng Camanci Norte, Numancia.

Narekober din ang 2 yellow pad na ipinambalot ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang tuyong dahon ng Marijuana; 1 transparent plastic pack ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana; at 1 plastic tube na naglalaman din ng nasabing ilegal na droga.

Pansamantalang ikinustodiya sa Numancia PNP Station ang suspek, at nakatakdang isailalim sa drug testing.

Samantala, nabatid mula kay Aklan PDEU Chief Police Lieutenant Frensy Andrade na 2-3 buwan na nilang isi-nurveillance ang suspek bago siya nadakip sa nasabing buy bust operation.

Bagama’t tumangging magbigay ng pahayag kaugnay sa kanyang pagkakaaresto, itinanggi naman ng suspek ang mga narekober na drug items.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *