Connect with us

Aklan News

BUNTIS, GINAHASA UMANO NG MAG-UULING

Published

on

(Makikita sa larawan ang suspek na itinuturong nanggahasa sa buntis na biktima.) Malbert Dalida/Radyo Todo 88.5 fm

Makato – Sinampahan na ng kasong Rape ang isang 39 anyos na mag-uuling matapos umano nitong halayin ang isang 25 anyos na buntis sa isang barangay sa Makato.

Nakilala ang suspek na si Dilgun Puod, 39 anyos ng Makato.

Base sa report, nangyari ang insidente bandang alas 10:00 kahapon ng umaga habang nanunungkit ng mangga ang biktima.

Sinasabing nagulat na lamang umano ang biktima nang biglang may yumakap sa kanyang likod.

Maya-maya pa, tinakpan umano ng suspek ang kanyang bibig habang hinuhubaran naman siya nito ng kanyang pang-ibabang damit.

Kasunod nito, pilit din umano siyang inihiga ng suspek at ginahasa, kung kaya’t doon na rin niya ito nakilala.

Matapos ang insidente, umuwi umano ang suspek na tila walang nangyari, kung kaya’t umuwi rin ang biktima at nagsumbong sa kanyang tiyuhin.

Dakong alas 12:00 naman kahapon ng tanghali nang personal na magsumbong sa mga pulis ang biktima kasama ang kanyang tiyuhin.

Matapos ilahad ang insidente, kaagad rumesponde ang Makato PNP na nakatanggap naman ng impormasyon tungkol sa kinaroonan ng suspek sa Barangay Dumga, kung kaya’t kaagad itong pinuntahan at inaresto.

Samantala, mariin namang itinanggi ng suspek ang lahat ng akusasyon ng biktima, at iginiit na naroon siya mag-isa sa kanyang bahay nang mangyari ang insidente.

Napag-alamang dalawang buwang buntis ng pang-anim nitong anak ang biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *