Connect with us

Aklan News

RIDER, PATAY SA KARAMBOLA NG 5 MOTORSIKLO

Published

on

By

Patay ang isang rider ng motorsiklo matapos magkarambola ang 5 motorsiklo sa kahabaan ng national highway na sakop ng Brgy. Estancia, Kalibo, Sabado ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival si Jay-R Barrientos, 24 anyos, ng Sigcay, Banga dahil sa matinding sugat sa ulo na tinamo nito.

Batay sa ulat ng pulisya, papunta sa direksyon ng Banga sila Barrientos; Jana Rose, 28 anyos ng Banga; Mary Rose Nam-ay, 28 anyos ng C Laserna St., Kalibo at angkas na si Rochelle Fermino, 22 anyos, ng Dumaguit, New Washington; Daniel Isuga, 20 anyos ng Bakhaw Norte, Kalibo; Ranilo Pioquid, 29 anyos ng Talon Altavas at angkas na si Geno Solina, 24 anyos ng Aranas, Balete sakay ng kanilang mga motor ng mangyari ang insidente.

Kapwa sumemplang ang mga ito nang may isang motorsiklo na sumingit sa linya kaya napahinto si Barrientos at natumbok ng apat na kasunod na motor.
Mabilis na dinala ang mga ito sa ospital ngunit agad na binawian ng buhay si Barrientos.
Samantala, confined naman sa ospital si Mary Rose at Rochelle.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *