Connect with us

Aklan News

20 ANYOS NGA LALAKI ARESTADO SA BUYBUST OPERATION SA BORACAY

Published

on

Photo Courtesy| Kagawad Rafael Gregorio

Boracay – Kalaboso ang isang 20-anyos na lalaki sa isinagawang buybust operation sa Brgy. Manocmanoc, Boracay mga dakong 1:50 kaninang umaga.

Kinilala ang suspek na si Cedrick Villanueva ng Tablas, Romblon at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Manocmanoc, Boracay

Inaresto ang suspek matapos mabilhan ng isang transparent plastic sachet na may lanang color brown solid substance na pinaniniwalaang HASH kapalit ng 600 pesos buybust money.
Sa isinagawang body search nakuha sa posisyon ng suspek ang karagdagang dalawang sachet at ang ginamit na buybust money.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Malay PNP Station Drug Enforcement Team sa pangunguna ni Police Captain Dexter Brigido.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakulong sa Malay PNP ang nasabing suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...