Connect with us

Aklan News

AKLAN HEALTHCARE FRONTLINERS, NATANGGAP NA ANG 2ND DOSE NG SINOVAC VACCINE

Published

on

NABAKUNAHAN na ng second dose ng Sinovac vaccine ang ilang mga healthcare frontliners sa Aklan.

Nagsimula ang vaccination roll-out para sa 2nd dose ng bakuna ng 2417 healthcare workers nitong Abril 7 ayon kay Doc. Cornelio Cuachon ng Aklan Provincial Health Office.

March 10 nang magsimula ang pagbakuna ng first dose sa mga frontlines na nagtapos ng March 15.

Kailangan ng 28 araw na pagitan bago maibakuna ang 2nd dose ng Sinovac kaya itinakda ang ikalawang roll out nitong Miyerkules at matatapos ito sa Lunes, Abril 12.

Binanggit rin ni Cuachon na mayroong humigit kumulang 109 na Aklanon frontliners na nabakunahan na ng AstraZeneca.

Handa ang mga ito na magpabuka ng 2nd dose, sa kabila ng pagsuspende ng ilang bansa sa Europa sa pagturok ng AstraZeneca dahil sa isyu ng blood clot.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *