Connect with us

Aklan News

GOV. MIRAFLORES, MALAY AT NABAS MAYORS, PASOK SA LISTAHAN NG LCEs NA PRAYORIDAD SA BAKUNA

Published

on

PASOK sa Priority Group A1.5 ng COVID-19 vaccination sa bansa si Aklan Governor Florencio Miraflores, Mayor Frolibar Bautista ng Malay at Nabas Mayor James Solanoy.

Base ito sa Advisory No. 26 ng National COVID-19 Vaccination Operations Center na pirmado ni DOH Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje.

Dahil dito, maaari nang magpaturok ng COVID-19 vaccine ang mga governors at mayors na nasa critical at high risk areas.

May kabuuang 403 local chief executives na kabilang sa Priority Group A1.5.

Mula sa nasabing bilang, 57 ang gobernador, 25 ang mayors sa highly urbanized/independent component cities at 321 mayors sa mga component cities/municipalities.

Sa Western Visayas, pasok rin ang mga gobernador ng Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Antique at Guimaras.

Nakasaad din sa abiso na ang mga LCEs na may edad 59 anyos pababa ang babakunahan ng Sinovac vaccine at ang mga edad 60-anyos pataas ang babakunhan ng AstraZeneca vaccine.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *