Connect with us

Aklan News

25-ANYOS NA LALAKI, NAGBIGTI SA MANDUYOG HILLS

Published

on

CONTENT WARNING!
Wala ng buhay nang matagpuang nakasabit sa isang puno ng kahoy sa Manduyog hills ang isang lalaki ngayong alas-12 ng tanghali.

Pinaniniwalaang kaninang umaga pa nakasabit ang 25-anyos na biktima pero ngayon lang ito natagpuan.

Ayon sa nagreport sa pulisya, nagsumbong sa kanila ang tatlong bata na may lalaking nagbigti sa taas kaya’t agad nila itong pinuntahan.

Nadatnan pa nila ang biktimang nakasabit sa puno gamit ang nylon cord.

Natagpuan din sa lugar ang isang bote ng alak at ang cellphone nito.

Nabatid na mayroon itong bipolar disorder.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan.

NOTE:
Ang lahat ng problema ay may solusyon.

Kung ikaw ay may problema at gusto mo ng kausap, maaari kang tumawag sa:
National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727).
Hopeline PH 24/7 hotlines:

0917-558-4673 (Globe)
0918-873-4673 (Smart)
2919 (toll-free for Globe and TM)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *