Connect with us

Aklan News

PASYENTE SA OSPITAL NA POSIBLENG INATAKE NG NERVOUS BREAKDOWN, NANAKIT NG 2 NURSE AT 1 SEKYU

Published

on

Minarapat magpa confine ang isang nurse matapos umanong paghahampasin ng pvc pipe ng isang pasyente ng Aklan Provincial Hospital bandang ala 1:40 kaninang madaling araw.

Nakilala ang 2 nurse na sina Ivien Noel Gonzales, 31 anyos ng Laguinbanwa West, at Lennie Artates, 52 anyos ng Dongon East, Numancia, habang nakilala naman ang sekyu na si Renan Paul Illazar, 21 anyos ng Tinigao, Kalibo.

Maaalala na biktima ng pananaga nitong nakaraang Sabado sa Cabugao, Altavas ang nagwalang pasyente na si Roberto Gregorio, 28 anyos ng nasabing lugar.

Base pa sa report ng Kalibo PNP, may inaasikasong pasyente sa OB Ward ang nurse sa si Gonzales nang lapitan umano ng suspek at pinaghahampas ng pvc pipe sa ulo at iba’t-ibang parte ng katawan sa hindi nalamang dahilan.

Maliban dito, hinampas din umano nito sa baywang ang nurse na si Artates.

Kaagad sumaklolo ang guwardiyang si Illazar, subalit hinampas rin umano ito at kinagat pa ni Gregorio, subalit napusasan din ito kinalaunan ng iba pang guwardiya, habang narekober din ang pinanghampas nitong pvc pipe.

Ayon naman sa Kalibo PNP, desididong magsampa ng kasong Physical Injury ang biktimang si Gonzales.

Samantala, sinabi naman ng kapatid ni Gregorio na nasa 3 araw na umano itong walang tulog bago nangyari ang insidente na posibleng dahilan ng pagkakaroon nito ng nervous breakdown.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *