Connect with us

Aklan News

MGA KANSELADONG HOTEL BOOKINGS SA BORACAY, PWEDENG IREBOOK NG WALANG DAGDAG BAYAD

Published

on

Maaaring magparebook sa mga hotels at resorts ng walang dagdag na bayad ang mga turista na nagkansela ng planong bakasyon sa Boracay Island.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., sinabi nito na pumayag na magparebook ang hotel and restaurant associations sa mga direct bookings o ang mga hindi dumaan sa third party.

Dagdag ni Bengzon, “Ang mga guest na nagpabook at nagpa cancel, pwede po sila na magparebook without any penalty.” Pero dapat na ang kanselasyon ay dahil sa mga travel restrictions at ang reservation ay nakadirekta sa hotel.

Paliwanag ng kalihim, hindi accredited ng Department of Tourism (DOT) ang mga online booking platforms hindi gaya ng hotels, resorts at travel agents.

Kaugnay naman ng refund, depende pa rin aniya ito sa mga establisyemento dahil ang pangako lang sa kanila ay ‘rebooking without any penalty’.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *