Connect with us

Aklan News

2 PULIS, NAAKSIDENTE SA MOTORSIKLO, 1 PATAY

Published

on

Balete – Isa ang patay sa dalawang pulis na naaksidente bandang alas 7:00 kaninang umaga sa Fulgencio, Balete.

Nakilala ang pulis na binawian ng buhay na si Patrolman Genesis Javil, 25 anyos ng Camburanan, Tapaz, Capiz, at ang angkas nito sa motorsiklo na si Patrolman Michael Handoy, 25 anyos ng Agsirab, Dumarao, Capiz, at kapwa naka assigned sa PCP2 o Police Cummunity Precinct 2, Balabag.

Base sa report ng Balete PNP, nangyari ang insidente bandang alas 7:00 kaninang umaga, subali’t bandang alas 10:00 na naitawag sa kanila ni Pat. Handoy.

Nabatid naman sa imbestigasyon ng Balete PNP na nagmomotorsiklo ang dalawa galing Capiz papuntang Malay nang mawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Javil pagdating sa kurbadang kalsada kung saan nangyari ang aksidente.

Sanhi nito, sumemplang sila sa kalsada at kapwa nagtamo ng pinsala sa katawan.

Ayon pa sa Balete PNP, isinakay silang dalawa sa traysikel papuntang ospital, subalit binawian umano ng buhay si Javil habang ginagamot.

Samantala, naging out patient naman ang kanyang angkas na nagtamo lamang ng minor injury sa kanyang katawan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *