Connect with us

Aklan News

BINATILYONG NALIGO SA ILOG, NALUNOD-PATAY

Published

on

Balete – Patay ang isang binatilyo matapos malunod habang naliligo sa ilog bandang alas 12:40 kahapon sa Calizo, Balete.

Nakilala ang biktimang si John Robert Andrade, tinatayang nasa 13-14 anyos ng Sitio Tagaytay, Feliciano, Balete.

Base sa imbestigasyon ng Balete PNP, nakita umano ng mga magulang ni Vincent Villaruel ang biktima na kumakampay sa gitna ng ilog, kung kaya’t pinasaklulohan nila ito sa kanya.

Nagkataon namang naroon si Vincent sa tabing-ilog kung kaya’t kaagad siyang lumangoy upang saklolohan ang biktima. subalit kinapos umano ito ng hininga.

Dahil dito, nagdesisyon itong kunin ang kanyang bangka at doon sinubukang iabot sa biktima ang kawayan, subalit hindi na niya ito nahawakan hanggang sa tuluyan na umano itong nalunod.

Ayon pa sa Balete PNP, nakita naman bandang alas 2:45 kahapon ang biktima sa tulong narin ng mga residente sa lugar, ilang metro lamang ang layo sa bahaging nalunod ito.

Samantala, nabatid na naging pahirapan ang paghahanap sa biktima lalo pa’t may kalaliman ang bahagi ng ilog.

Napag-alaman din na madalas namang naliligo doon ang biktima na may kasama, subalit tiyempo umano kaninang siya lang mag-isa nang mangyari ang insidente.

Kasalukuyan namang nasa isang punerarya ang labi ng biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *