Connect with us

Aklan News

2 MOTORSIKLO, NAAKSIDENTE, 4 SUGATAN

Published

on

Altavas – Apat ang sugatan sa dalawang motorsiklo na naaksidente alas 6:00 kagabi sa Sitio Bangkerohan, Linayasan, Altavas.

Nakilala ang mga biktimang sina Wayne Fuentes, 30 anyos ng Dalipdip, Altavas, at angkas nitong si Rioly Francisco, 26 anyos ng Odiong, Altavas; Rodel De Pedro, 51 anyos ng Odiong, Altavas, at ang angkas naman nitong si Rosalie Galing, 37 anyos ng Lalab, Batan.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, kapwa papunta sa direksyon ng Balete ang dalawa, nang bigla umanong huminto sina Fuentes, rason na nabangga sila ng sumusunod na sina De Pedro.

Sanhi nito, kapwa silang sumemplang sa kalsada at nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan.

Kaagad silang dinala sa Altavas Hospital, subalit kaagad ding nakalabas matapos gamutin.

Samantala, nabatid mula sa Altavas PNP na nagkaareglo naman ang magkabilang panig matapos ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *