Connect with us

Aklan News

LASING NA NANAMPAL NG BRGY. KAGAWAD, NAHULIHAN DIN NG PATALIM

Published

on

Altavas – Sinampal umano ng lasing ang isang barangay kagawad alas 9:00 kaninang umaga sa Barangay Tibiao, Altavas.

Nakilala ang kagawad na si Ronie De Pedro, 49 anyos na kagawad ng nasabing barangay, habang arestado naman ang suspek na si Cyden De Juan, sa legal na edad ng Maantol, (Maantoe), Jamindan, Capiz.

Ayon kay kagawad, nagmomotorsiklo siya noon galing Lucero, (Jamindan, Capiz) nang tawagin siya ng suspek na nakikipag-inuman noon sa isang tindahan.

Tinanong umano siya ng suspek kung totoong pinagbibintangan siya nito na sila ang nangunguryente (nangingisda gamit ang kuryente) sa mga ilog at sapa sa barangay Tibiao.

Itinanggi naman umano ito ng kagawad, subalit kaagad siyang sinampal ng suspek at dinuro-duro.

Minura pa umano siya ng suspek at muling sinampal, kung kaya’t doon na ito nagpasaklolo sa Lucero, Jamindan Patrol Base ng CAAFGU, bago nagreport sa Altavas PNP.

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis at narekober mula sa suspek ang isang patalim.

Samantala, iginiit pa ng kagawad na may nakasukbit pang Kalibre .38 baril sa baywang ng lasing na suspek, nang mangyari ang insidente.

Pansamantala namang ikinustodiya sa Altavas PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Samantala, nang makapanayam ng Radyo Todo, mariin namang itinanggi ng suspek ang lahat ng alegasyon ng kagawad sa kanya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *