Connect with us

Aklan News

BISITA SA BIRTHDAY, TINAGA NG CELEBRANT

Published

on

Altavas – Sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang tinamo ng isang lalaking inimbitahan sa birthday matapos umano itong pagtatagain ng mismong celebrant alas 2:00 nitong hapon sa Sitio Maantol, Cabugao, Altavas.

Nakilala ang biktimang si Roberto Gregorio, 28 anyos, habang 16 anyos lamang ang suspek, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, kapwa nag-iinuman noon ang biktima at suspek sa bahay ng kanyang ama nang magtalo ang dalawa sa hindi nalamang dahilan, na nauwi naman sa pananaga ng suspek sa biktima.

Samantala, sinabi naman ng suspek na umuwi noon ang biktima subalit bumalik na may dalang itak.

Hinamon umano siya nito ng away sa hindi niya rin nalamang dahilan, at tinaga , ngunit nakaiwas umano ito at doon na nakaganti ng pagtaga kung kaya’t nasugatan niya ang biktima sa kanang braso at kanang bahagi ng katawan.

Kaagad naman itong dinala ng mga taga MDRRMO Altavas sa Altavas Hospital, subalit inilipat sa isang pagamutan sa Kalibo, habang nasa kustodiya ngayon ng Altavas PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Nabatid na kapwa nasa labis na kalasingan ang dalawa nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *