Connect with us

Aklan News

4 KATAO ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Numancia – Apat ang nakatakdang sampahan ng kaso sa Lunes dahil sa ilegal na sabong kahapon ng hapon sa Pusiw, Numancia.

Nakilala ang mga suspek na sina Jay-vee Villasin, 18 anyos; Blady Rotano, 42 anyos; Franklin Rose, 46 anyos; at Calos Soguilon, 53 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Numancia PNP, binantayan umano nila ang lugar matapos matanggap ang impormasyon kaugnay sa nangyayaring sabong sa lugar, rason na na aktuhan umano ang mga suspek doon.

Bagama’t nakatakas umano ang iba pa, naaresto naman ang mga suspek at narekober ang kabuuang P1,000.00 na bet money, at 2 panabong na manok na may mga tari.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Numancia PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *