Connect with us

Aklan News

BINATILYO, NAAKSIDENTE SA BISIKLETA

Published

on

Ospital ang bagsak ng isang binatilyong naaksidente sa bisikleta kagabi sa may MMG Building San Lorenzo Drive, Kalibo.

Nagtamo ng sugat sa tagiliran ang 17 anyos na biktimang taga New Buswang, Kalibo dahil nabasag ang boteng nilagay nito sa tagiliran habang nagbibisekleta.

Nabatid na mula ang biktima sa Brgy. Estancia at pauwi na sana kasama ang isa pang nakainuman dakong ala-11 kagabi.

Nagpasya ang dalawa na doon dumaan dahil alam nilang curfew hour na subalit tumumba ang biktima at nagtamo ng mga sugat na mabilis namang ginamot ng mga responders ng MDRRMO Kalibo.

Nagpapagaling na sa isang pribadong ospital ang biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *