Connect with us

Aklan News

Bagong COVID-19 variant, ikinukunsiderang dahilan ng pagsipa ng kaso sa Boracay

Published

on

boracay-covid19-update

Ikinukunsidera ng Malay Municipal Health Office ang posibilidad na bagong COVID-19 variant ang dahilan ng biglaang pagsipa ng COVID-19 cases sa isla ng Boracay.

Ayon kay Malay Municipal Health Officer Dr. Athena Magdamit, dalawang procedure ang kanilang ginawa kahapon sa pag-swab ng mga suspected case.

Ito ay para maipadala nila ang specimen sa Department of Health (DOH) Western Visayas para i-forward sa Genome Center sa Manila at malaman kung meron na nga bang bagong variant sa isla.

Ang bagong variant ng COVID-19 ay mas madaling kumalat, ayon sa mga pag-aaral ng mga eksperto.

Ayon kay Dr. Magdamit, mayroong 16 na bagong kaso ng COVID-19 sa isla kahapon kaya sumampa na sa kabuuang 52 ang active cases sa Malay.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *