Connect with us

Aklan News

OUTING NG PAMILYA SA JAWILI BEACH, NAUWI SA AKSIDENTE; 4 NAOSPITAL, 1 NAKA-ICU

Published

on

Nauwi sa aksidente ang dapat sana ay masayang beach outing ng isang pamilya sa Jawili Beach.

Batay kay PSStg Peril Antaran Tangalan PNP, bago nangyari ang aksidente dakong alas-2 ng hapon ay nagtungo ang pamilya sa Jawili para sa selebrasyon ng kaarawan ng kanilang anak.

Habang nasa gitna ng biyahe pauwi, biglang tumagilid sa highway na sakop ng Tondog, Tangalan ang sinasakyang multicab ng pamilya matapos mawalan ng kontrol ang driver.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang ibang sakay ng sasakyan.

Nagtamo ng matinding sugat sa kaliwang kamay ang driver ng sasakyan na si Rey Upod, habang confined naman sa ospital ang 3 iba pa kabilang ang kanyang asawa at isang taong gulang na anak.

Base sa asawa ng driver na si Cecile Upod, bigla na lang nagpa ekis-ekis ang takbo ng sasakyan at nawalan ng kontol sa manibela si Rey.

Nagtamo naman ng mga minor injuries ang iba pang pasahero na nakalabas naman kaagad ng ospital matapos gamutin.

Nabatid na 12 katao ang sakay ng sasakyan kung saan 8 dito ang mga menor de edad.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *