Connect with us

Aklan News

DALAWANG INARESTO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG, SASAMPAHAN NA KASO NGAYONG ARAW

Published

on

Makato – Sasampahan na ngayong umaga ng kasong paglabag sa PD 449 o Anti-Illegal Cockfighting ang dalawang lalaking naaresto nitong Sabado ng hapon dahil sa ilegal na sabong sa Sitio Nonok-Ilawod, Baybay, Makato.

Sa joint operation na pinangunahan ng Provincial Anti-Illegal Gambling Unit, kasama ang Makato PNP at Provincial Highway Patrol Group, naaresto at nakilala ang mga suspek na sina John Vilrey Mansayon, 24 anyos at Dennis Butcon, 21 anyos, kapwa residente ng Alibagon, Makato.

Maliban dito, narekober din ang dalawang manok-panabong at kabuuang P600.00 na bet money.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *