Connect with us

Aklan News

1 LALAKI AT 2 MENOR DE EDAD, KALABOSO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Kalaboso ang 1 lalaki at 2 menor de edad dahil umano sa ilegal na sabong pasado alas 3:00 kahapon sa Pinamuk-an, New Washington.

Nakilala ang 53 anyos na suspek na si Alladin Delantawi, habang nabatid na 13 anyos at 15 naman ang dalawang menor de edad.

Ayon sa New Washington PNP, kaagad umano silang nagsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation kasama ang CIDG at Maritime Police matapos matanggap ang sumbong mula sa barangay intelligence network.

Kasunod nito, nahulog sa kanilang mga kamay ang tatlo at dinala sa presinto, subali’t nakatakas naman ang iba pa nang magsidatingan ang mga pulis.

Sa kabila nito, narekober naman ang 3 manok panabong at P820.00 na bet money o pusta ng mga nagsisipagsabong sa lugar.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa PD 449 o Anti Illegal Cockfighting Law ngayong umaga ang suspek na si Delantawi, habang nai-turn over na kagabi sa MSWD at kani-kanilang magulang ang 2 menor de edad.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *