Connect with us

Aklan News

MOTOR NASAPUL NG VAN, DRAYBER SUGATAN

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng mabangga ng aluminum wing van alas 7:50 kaninang umaga sa bahagi ng Toting Reyes St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang rider na si Zernan Guanizo, 41 anyos ng Estancia, Kalibo at ang driver naman ng van na si Wilfredo Dayo Jr., 34 anyos ng Maayon, Capiz, at pansamantalang nakatira sa kanilang staff house sa New Buswang, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, kapwa patungong Banga ang dalawa, nang mag-malfunction umano ang hand break at foot break ng nasabing van.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo na ikinasugat sa katawan ng biktima.

Kaagad naman itong dinala ng mga taga MDRRMO sa ospital, subalit naging out patient naman matapos gamutin.

Samantala, bagama’t nagtamo ng damage o sira ang motorsiklo at van, sinabi naman ng Kalibo PNP na nauwi sa areglo ang nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *