Connect with us

Aklan News

2 KATAO KASAMA ANG 1 MENOR-DE-EDAD, TIKLO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Kalaboso ang dalawang lalaki at isang minor de edad dahil sa ilegal na sabong sa Badio, Numancia.

Nakilala ang dalawang naaresto na sina Devy John Nalangan, at John Collins Dela Cruz, kapwa 21 anyos at residente ng Laguinbanwa East, Numancia, kasama ang 16 anyos na Grade 10 student na taga Albasan, Numancia.

Ayon sa Numancia PNP, na nakatanggap umano sila ng sumbong mula sa isang asset kaugnay ng illegal na sabong sa lugar, kung kaya’t kaagad nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang Numancia PNP alas 4:00 kaninang hapon,na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Maliban dito, narekober din ang kabuuang P1,070.00 na bet money o pusta ng mga sangkot sa naturang sabong, at 2 panabong na manok.

Pansamantala silang ikinostodiya sa Numancia PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 449 o Anti Illegal Cockfighting Laws, na isasampa laban sa kanila, habang ipagkakatiwala naman ng Numancia PNP sa DSWD ang 16 anyos na suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *