Connect with us

Aklan News

LOLO, SINAKSAK NG LASING

Published

on

sinaksak

Sugatan ang isang 68 anyos na lolo matapos saksakin ng lasing kahapon ng hapon sa isang lamay sa Sitio Centro, Candelaria, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Fortunato Teodosio, na nagtamo ng sugat sa kanang dibdib, habang naaresto naman ang suspek na si Diosdado Ambito, 50 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbistigasyon ng New Washington PNP, nakatayo habang nanonood sa mga batang naglalaro ng Bingo card ang biktima bago nangyari ang insidente.

Dumating umano doon ang lasing na suspek at bumunot ng patalim, at biglang sinaksak sa dibdib ang biktima.
Kasunod nito, tumumba ang biktima, na kaagad namang sinaklolohan ng isang barangay kagawad na naroon din sa lamay.
Dahil dito, nakatayo at nakauwi sa kanilang bahay ang biktima, habang naglakad lamang umanong tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Samantala, nadakip parin ng mga rumespondeng pulis ang suspek at pansamantalang ikinostodiya sa New Washington PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Nabatid base pa sa imbistigaston na dati nang may galit ang suspek sa biktima dahil madalas umano siya nitong ipinapahiya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *