Connect with us

Aklan News

Snatcher ng cellphone, nalambat ng kapulisan

Published

on

Arestado sa hot pursuit operation ng Kalibo PNP ang isang lalaking nang-i-‘snatch’ umano ng cellphone kagabi sa Bliss Site, Poblacion, Kalibo.

Kaugnay nito, nasa kostodiya na ngayon ng Kalibo PNP ang suspek na si Sammy Maribojo, 19 anyos ng Old Buswang, Kalibo matapos madakip ng mga pulis sa bahagi ng J.Magno St., Brgy.Poblacion, Kalibo bandang alas 10:45 kaninang tanghali.

Base sa report ng Kalibo PNP, pina blotter ng biktimang si Ronnie Perlas, 47 anyos ng Bliss Site kaninang alas 10:30 ng tanghali ang insidente kung saan nabatid na ginagamit noon ng kanyang anak ang kanyang cellphone na Samsung A10 .

Nasa loob umano ng kanilang compound ang kanyang anak nang biglang pumasok ang suspek at ini-snatch doon ang nasabing cellphone at tumakas.

Samantala, kaagad namang kumilos ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaresto ng suspek at pagkabawi ng ng cellphone.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek kaugnay ng insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *