Connect with us

Aklan News

Aklanong nabiktima ng 25 Days Double Your Money Investment Scheme,nagsampa ng kaso laban sa CEO na si Madam O

Published

on

Milyon-milyong pisong investment ng mga Aklanon ang hanggang ngayon ay hindi pa naiibabalik ng 25 days double your money investment scheme ni Junelyn Obamos Gregorio o mas kilala bilang Madam O.

Kaya sinampahan ng kasong Syndicated Estafa ng isang investor si Gregorio at ang mga upline nitong sina Franz Keith Villanueva, Arnel Gemoto, Akieles Aziel Gene Grecia at Grace Itchon.

Naengganyo ang mga Aklanon investors na mag pay-in dahil sa pangakong dodoble ang kanilang pera sa loob ng 25 araw.
Lumipas na ang 25 days na ipinangako sa kanila pero hindi pa rin naibabalik ang kanilang pera.

May kabuuang P22, 430, 300 pa ang halaga na pay-in nila mula Disyembre hanggang Enero na hindi pa naibabalik ng investment scheme hanggang ngayon.

Nabigo si Gregorio na maibalik ang pera ng mga investors na dapat sana ay magpa-pay out na sa January 18 hanggang February 14.

Bago paman maisampa ang kaso ay naaresto na sa entrapment operation ng NBI si Obamos sa kanyang apartment sa Molo, Iloilo City noong Marso 3.

Ang 25 days double your money scheme ay sinasabing nagsimula nitong December 2020.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *