Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG PAGPATAY SA MAKATO, ARESTADO SA MALABON

Published

on

Arestado alas 7:30 kagabi sa Catmon, Malabon City ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay sa bayan ng Makato.

Sa joined operation ng Makato PNP at Substation 4, Malabon City PNP, inaresto ang akusadong si Efren Tapleras, 63 anyos ng Tugas, Makato, na kasalukuyan namang residente ng naunang nabanggit na lugar, matapos isilbi sa kanya ang kanya ang warrant of arrest na inihain ni Hon.Mario Guarina III, Presiding Judge,.RTC Branch 4, Kalibo, Aklan noon pang October 11, 1990.

Nakatakda naman siyang iharap sa nasabing korte para sa kanyang kaso, subali’t makakalaya pansamantala kapag makapagpiyansa ng P40,000.00.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *