Connect with us

Aklan News

2 WANTED SA IISANG KASO NG PAGNANAKAW, ARESTADO

Published

on

Makato – Dalawang wanted sa iisang kaso ng pagnanakaw ang naaresto sa Poblacion, Makato sa magkasunod na operasyon ng mga pulis kaninang hapon.

Base sa report, unang naaresto alas 3:30 ng hapon si Ronel Torado, 21 anyos, habang alas 3:45 naman Mario Lavarigo, 25 anyos, kapwa residente ng Sitio Hagakhak, Baybay, Makato.

Unang naaresto ng Makato PNP si Torado, habang sa joint operation naman ng Lezo PNP at Makato PNP naaresto si Lavarigo, na kapwa sinilbihan ng warrant of arrest na may criminal case number 1596-M na ibinaba ni Hon. Wlifredo P. Paciente Jr., Presiding Judge MCTC Makato nito lamang nakaraang Lunes, March 22, 2021.

Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Makato PNP para sa karampatang disposisyon, subalit pansamantalang makakalaya kapag makapagpiyansa sila ng P10,000.00 bawat isa.

Ayon naman sa Makato PNP, na magkasama umano ang dalawang akusado nang nakawin nila mula sa isang pribadong L300 Van ang isang pouch na naglalaman ng mga alahas na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P50,000.00.

Nabatid na dumalo sa isang debut party sa Baybay, Makato ang may-ari ng pouch nito lamang nakaraang January 31, 2021, nang nakawin umano sa nakabukas na van ang mga alahas kung saan ang dalawang nabanggit na akusado ang itinuturong suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *