Connect with us

Aklan News

MGA BAKUNA PARA SA 2ND DOSE, DUMATING NA SA AKLAN

Published

on

Dumating na ang second dose ng Sinovac vaccine para sa mga frontliners sa Aklan.
Ayon kay Doc. Cornelio Cuachon ng Aklan Provincial Health Office, naubos na ang first dose ng bakuna kaya ipinadala na ang kabuuang 2, 420 vials para sa second dose ng mga frontliners.
Dumating ito sa Aklan nitong nakaraang Huwebes at naghihintay na lamang ng scjedule ng susunod na vaccination roll-out.
Ang second dose ng bakuna ay dapat maiturok 28 araw matapos maibakuna ang unang dose ng vaccine.
Kaya nakatakdang bakunahan ng second dose ang mga frontliners na una nang naturukan sa darating na Abril 7.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *