Connect with us

Aklan News

CONSTRUCTION WORKER, SINAKSAK NG DATING KAALITAN

Published

on

Sinampahan na kaninang umaga ng kasong Frustrated Homicide ang suspek sa pananaksak sa isang construction worker Sabado ng gabi sa Libas, Banga.

Subali’t ayon sa Banga PNP, hindi kayang magpiyansa ng suspek na si Condrado Salon, 51 anyos ng Polocate, Banga, para sa kanyang pansamantalang kalayaan, kung kaya’t dadalhin na nila ito sa Aklan Rehabilitation Center, pagdating ng kanyang remittance order.

Samantala, kasalukuyan pang ginagamot sa ospital ang biktimang si Gerry Naig, 50 anyos ng naunang nabanggit na lugar dahil sa tatlong tama ng saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Nabatid sa imbestigasyon na nakikitira ang suspek sa bahay ng kapatid ng biktima, kung saan niya ito pinuntahan, kinumpronta, at sinuntok.

Nagkataong wala doon ang may-ari ng bahay, subali’t naawat naman noon ang dalawa, at pinauwi ang biktima.

Kinalaunan, sinasabing bumalik pa ang biktima, at doon na ito sinaksak ng suspek.

Kaagad naman siyang naaresto ng mga pulis matapos ang insidente.

Nabatid na kapwa nasa impluwensiya ng alak ng dalawa nang mangyari ang krimen.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na dati nang may alitan ang dalawa sa hindi nalamang dahilan, kung kaya’t kinukuwestiyun niya ang pagtira ng suspek sa bahay ng kanyang kapatid.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *