Connect with us

Aklan News

26 ANYOS NA LALAKI, PATAY SA PANANAKSAK

Published

on

Patay ang isang 26 anyos na lalaki matapos saksakin pasado alas 9:00 kagabi sa Pagsanjan, Banga.

Nakilala ang biktimang si Rex Nervar ng Lapnag, Banga, at ang suspek na si Ulivan Asiong, 30 anyos ng Loctoga, Libacao, subali’t kapwa ngayong nakatira sa naunang nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, pinuntahan ng biktima ang kapatid dahil na aberya ang minamaneho ng motorsiklo.

Subali’t bigla na lamang umanong lumitaw ang suspek na may dalang patalim, at sinaksak sa tiyan ang biktima.

Kaagad siyang dinala sa ospital, nguni’t doon din umano binawian ng buhay habang ginagamot.

Samantala, naaresto rin ang suspek matapos ang insidente at pansamantalang ikinostodiya ng Banga PNP para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *