Connect with us

Aklan News

LOLO, HINATAW NI BAYAW NG PALA SA ULO

Published

on

By

Kalibo – Nagtamo ng pinsala sa ulo ang isang lolo matapos itong hampasin ng pala ng kaniyang bayaw.

Kinilala ang biktima na si William Nanit Sr. ng Magdalena Village, New Buswang, Kalibo habang ang suspek naman ay si Danilo Guiller ng Brgy. Linabuan Norte, Kalibo.

Nag-iinuman umano sila ayon sa biktima nang mapunta ang usapan sa pagkamatay ng kaniyang maybahay noong isang taon. Hindi umano nakarating sa kaniya ang abuloy na para sa namayapa niyang asawa.

Salaysay ng biktima, nauwi ito sa pagtatalo at bigla na lamang kumuha ng pala ang kaniyang bayaw at hinampas sa ulo ni Nanit.

Naisugod agad si Nanit sa Aklan Provincial Hospital, at kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng Kalibo PNP ang suspek na si Guiller.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *