Connect with us

Aklan News

LGU KALIBO, MAGSASAGAWA NG VACCINATION SIMULATION NGAYONG ARAW

Published

on

Photo Courtesy| Kalibo Public Affairs

Puspusan na ang paghahanda ng LGU Kalibo para sa paparating na bakuna.

Magsasagawa ng Vaccination Simulation sa Pastrana Park Covered Court ang LGU Kalibo ngayong araw.

Darating ang mga DOH Representatives para obserbahan ang Simulation Exercises para matukoy kung paano mas mapapadali ang proseso ng pagbabakuna.

Nagsagawa na rin ng mga paghahanda ang Ad Hoc Committee para sa COVID-19 Vaccination Plan. Kabilang dito ang paggawa ng Online Pre-Registration Process, Simulation Exercises at Barangay Level Demand Generation.

Kaliwa’t kanang mga Barangay Dialogue rin ang isinasagawa ng pamahalaan para bigyan ng kaukulang impormasyon ang publiko tungkol sa bakuna at para matanggal ang mga agam-agam ng publiko sa pagpapainiksyon.

Sa kasalukuyan, may nasa 17 aktibong kaso pa ng COVID-19 sa Kalibo.

 

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *