Connect with us

Aklan News

LALAKI, HULI SA PAG-AALAGA AT PAGTATANIM NG MARIJUANA

Published

on

Nalambat ng mga kapulisan ang isang lalaking nag-aalaga at nagtatanim ng marijuana plant sa Brgy. Caticlan, Malay.

Nag-ugat ang pagkakahuli sa suspek na si Larry Claud, 40 anyos, tubong Sitio Kanyugan ng nabanggit na barangay dahil sa reklamong natanggap ng Malay PNP mula kay Caticlan Brgy. Captain Ralf Tolosa.

Ayon sa punong barangay, nakita niya si Claud na may bitbit na isang paso na may tanim na marijuana plant habang nagsasagawa ng inspeksyon sa lugar ukol sa reklamo ng mga residente sa stagnant water.

Agad naman itong inimbistigahan ng mga kapulisan at nahuli ang suspek.

Narekober mula sa akusado 43 inches na marijuana plant.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Claud.

 

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *